Reminders, Reminders

Sulit ba ang kahirapan
Upang mapunan ang iyong karangyaan?
Kitain mo kami
Ngayon o bukas
Upang maintindihan mo
Ang aming kinabukasan
Sabi mo mahal mo
Ang bansang iyong sinilangan
Ngunit ang patuloy naming katanungan
Idinaan sa kantang
“Mahal ka ba niya talaga?”
Aminin mo lahat ng iyong binubudhi
Bago mo sabihing
Ika’y tama para sa amin.
Oo lahat ay nagkakamali
Ngunit ang mapili
Dapat parin bang gumawa ng mali?
Walang kasiguraduhan sa panahon
Ang kailangan marahil
Ay kung ano ang tama sa nakararami
Di kung ano ang para sa sarili.